HINDI na kabilang si Kai Sotto sa Mighty Sports-Creative Pacific na sasabak sa Dubai Invitational Basketball Tournament simula bukas sa United Arab Emirates.

Ipinahayag ng team officials na kinapos sa oras ang kampo ni Sotto na maisaayos ang mga kailangang dokumento para sa kanyang biyahe mula sa Amerika patungong Dubai.

Sa kabila nito, kumpiyansa si Mighty coach Charles Tiu sa laban ng koponan.

“Despite the absence of Kai, our team is still complete with a formidable lineup of young, athletic, very talented and inspired amateur players who are ably reinforced and strengthened by the likes of experienced and spirited players like Andray Blatche, Renaldo Balkman and McKenzie Moore,” sambit ni Tiu.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

-Jonas Terrado