LAS VEGAS (AP) — Nagbabalik si Conor McGregor. At matindi ang muling sikad ng dating world champion.

INISKORTAN ng mga bodyguars si McGregor pabalik sa kanyang dugout matapos ang kahanga-hangang panalo sa UFC. (AP)

INISKORTAN ng mga bodyguars si McGregor pabalik sa kanyang dugout matapos ang kahanga-hangang panalo sa UFC. (AP)

Nangailangan lamang ang Irishman ng 40 segundo para gapiin si Donald Cerrone sa first round ng UFC 246 nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nagbalik ang dating two-division champion matapos ang tatlong taong pagtalikod sa MMA at pinatunayan kung bakit dapat siyang ibilang sa listahan ng GOAT sa sports. Ito ang unang panalo ni Mcgregor mula noong 2016.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Natyempuhan ni McGregor (22-4) ng sipa sa ulo si Cerrone (36-14) may 20 segundo sa first round bago niya pinulbos ng suntok ang nahilong karibal sa saliw ng hiyawan ng sellout crowd sa T-Mobile Arena.

Huling nagwagi si McGregor noong November 2016 kontra lightweight Eddie Alvarez para tanghaling unang fighter sa kasaysayan ng UFC na nagwagi ng dalawang kampeonato.

Sinamantala niya ang kasikatan para umani ng mas malaking premyo nang lumaban sa exhibition boxing bout kontra kay American undefeated champion Floyd Mayweather noong 2017, bago natalo sa pagbabalik sa UFC kontra lightweight champion Khabib Nurmagomedov sa kaagahan ng 2018.