CLARK – Nakumpleto ng Philippine Volcanoes ang dominasyon sa rugby 7s competition nang durugin ang defending champion Malaysia, 19-0, habang nakuntento ang Lady Volcanoes sa silver medal nitong Linggo sa 30th Southeast Asian Games sa Parade Grounds dito.

Ito ang ikalawang panalo ng Volcanoes laban sa Malaysians sa finals matapos ang 24-7 panalo noong 2015 Singapore SEA Games, ngunit nalaglag sa podium ang Pinoy sa 2017 edition sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Samantala, nabigo ang Lady Volcanoes sa Thailand, 7-17, sa women’s gold medal round.

Annie Abad

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA