DOG lover kami kaya tagos sa puso ang trailer ng bagong pelikula ni Sarah Geronimo na Unforgettable kasama ang asong si Happy na magkasama sila sa hirap at ginhawa.
Dating may alagang aso sina Sarah at lola Gina Pareno niya na ang pangalan ay Happy pero nawala na kaya nang makita ng dalaga ang aso na pakalat-kalat sa daan ay pinangalanan niyang Happy hanggang sa tuluyan ng sumama sa kanya at maraming blessings ang dumating sa kanya.
Base sa trailer ay magkasama sa Baguio sina Sarah at ang lola niya pero pinauwi siya ng Maynila pero hindi pa nagtagal ay gusto na niyang bumalik at isama si Happy dahil naniniwalang gagaling ang lola niya kapag nakita ang kaibigang aso.
Habang papauwi sina Sarah at Happy sa Baguio ay marami silang naranasan at nakilalang mga taong nangangailangan ng tulong na natulungan naman nila.
Hindi naging mahirap kay Sarah na gampanan ang karakter niyang Jasmine na may alagang aso dahil sa totoong buhay ay marami siyang alagang dog k a y a kitang-kita rin sa trailer na sanay siyang humawak ng aso
Sabi nga ng dalaga, “Iba siyang magmahal. It’s a different role. Very challenging for me.”
Naalala tuloy namin ang pelikulang A Dog’s Purpose (2017) na pumapasok ang kaluluwa sa iba’t ibang breed ng aso para mahanap ang dati niyang amo. Hawig ang kuwento ng Unforgettable dito.
Samantala, ang tunay na pangalan ng aso ay si Milo na maganda ang bonding sa lahat dahil sanay sa tao at maraming pel ikula na r in pala ang nilabasan niya at programa sa telebisyon. Dalawang buwan pala ng simulan nang i-train ng among si Daryl Tristan Huertas.
Mapapanood na ang Unforgettable sa Oktubre 23 handog ng IdeaFirst Company at Viva Films idinirek naman nina Jun Robles Lana at Perci M. Intalan.
Ka s ama r in s a pelikula sina Regine Velasquez, Cherie Gil, Tirso Cruz III, Yayo Aguila, Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial, at Anne Curtis.
-Reggee Bonoan