ISASANTABI ng Technological Institute of the Philippines at Marinerong Pilipino ang naunang pinagsamahan sa kanilang pagtutuos sa 2019 PBA D-League Foundation Cup semifinals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Naging magkatambal sa 2018 Foundation Cup na nagresulta ng pag-abot nila sa semifinals, magtutuos ang Engineers at ang Skippers sa Game One ng kanilang best-of-three series ganap na 3:30 ng hapon.

“Poetic. Marinero-TIP last conference,” pahayag ni TIP coach Potit De Vera. “With that partnership, we made it all the way to the playoffs. It’s going to be interesting. It’s going to be fun.”

Bagamat tumapos na No.1 at undefeated sa kanilang grupo ang Skippers, hindi patitinag dito ang Engineers.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa hiwalay na semifinals pairings, muli namang magtatapat ang magkaribal na BRT Sumisip Basilan- St. Clare at Centro Escolar University sa unang laban ganap na 1:30 ng hapon.

Tatangkain ng Saints na ituloy ang naitalang 7-game winning streak.

“Happy ako na pumasok kami sa semis but I’m concerned dahil hindi kami na-push to the limit,” ayon kay coach Stevenson Tiu.

-Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

Game 1 of Best-of-3 Semis

1:30 p.m. - CEU vs BRT Sumisip Basilan-St. Clare

3:30 p.m. - Marinerong Pilipino vs TIP