NAPUNO ng mga estudyanteng kumu k u h a n g kursong Bachelor of Science in Marine Transportation/ Marine Engineering or basic seaman c our s e ang SM Manila Cinema 9 kung saan ginanap ang premiere night ng Marineros –Men in the Middle of the Sea nitong Linggo ng gabi, dahil para sa kanila ang pelikulang ito.
Ipinakita ng pelikula ang kung gaano kahirap ang buhay ng seafarers na inakala ng iba ay masarap dahil nga karamihan sa mga sumasakay ng barko ay nakakapagpatayo ng magagandang bahay, may sariling negosyo depende kung marunong humawak ng pera ang pinagkakatiwalaan kaanak.
Anyway, masinop sa kinikita niya si Ahron Villena bilang si Kent Marisol, panganay na anak ni Michael de Mesa (Dennis Marisol) na nabulag bilang mariner kaya pinalitan siya ng anak.
Bilang panganay ay sinagot ni Ahron ang lahat ng gastusin sa pamilya, pati pag-aaral ng kapatid nitong si Clair Ruiz (Karen) na hindi nito alam ay nabuntis ng boyfriend nitong si Jon Lucas as Vale Medina.
Nakapagpatayo ng simpleng bahay si Ahron, may konting negosyo at asawa niya rito si Valerie Concepcion na nasa ibang bansa kaya hindi nakadalo sa grand presscon at premiere night.
Anyway, sinubok ng tadhana si Ahron dahil naospital ang kanyang anak at dito sila nagkaroon ng pagtatalo ng asawang si Valerie.
May isa pang kapatid sina Ahron at Clair, si Kelvin (Paul Hernandez), waiter sa barko at malapit na kaibigan niya si Anthony Fernandez bilang si Marigold na entertainer.
Si Anthony ang siya ring direktor ng Marineros at isa sa producer kaya binibiro namin siya pagkatapos naming mapanood ang pelikula na siya pala ang bida dahil marami siyang exposure at tumawa naman.
At dahil pansin na pansin ang karakter ni direk Anthony na Marigold kaya pinatay na niya ang sarili sa pelikula na naging usapan ng mga katoto habang papauwi na, ‘baka raw kasi natabunan na nito ang ibang cast.’ Oo nga naman.
Iba’t ibang klase ng buhay ng mga nagba-barko ang ipinakita sa Marineros na kapupulutan ng aral ng mga manonood lalo na ang mga estudyanteng gustong maging seafarers/seaman.
Wala na kaming kuwestiyon sa mga nagsiganap dahil pawang mahuhusay naman kaya siguro hindi naman nahirapan si direk Anthony na idirek sila tulad nina Michael, Ahron, Jef Gaitan, Claire, at Valerie. Ang pelikula ay produced ng Golden Tiger Films at Premier-Dreams Production at mapapanood na sa Setyembre 20.
-Reggee Bonoan