CONGRATULATIONS kina Kim de Leon at Shayne Sava, StarStruck 7 Ultimate Male and Female Survivors respectively, sa isang bonggang presentation ng original reality-based artista search ng GMA Network na ginanap sa Studio 7 sa annex GMA building.

SHANE AT KIM

Inihayag namang First Prince and First Princess winners sina Allen Ansay at Lexi Gonzales respectively.

Sina Kim at Shayne ay tumanggap ng P500 thousand cash prize each, at tig-isang unit ng Lessandra Homes. Tumanggap din sila ng P5 million each GMA Network management contract.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sina Allen at Lexi naman ay tumanggap ng tig-P250 thousand cash prize at management contract din with the other 10 avengers.

Special guest performer si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards na nakipag-duet kina Shayne at Lexi ng Kung Di Rin Lang Ikaw at nakipag-dance exhibition naman kina Kim at Allen.

Pansin ang pagiging emotional ng Council na si Jose Manalo at sina Ms. Cherie Gil at Heart Evangelista na may tears of joy nang humarap sa audience, hindi lamang sa mga nanalo kundi iyong naging bahagi sila ng tagumpay ng mga young hopefuls na makapasok sa industriya.

Umiiyak din sina Kim (na hindi makapigil sa pag-iyak kahit nakangiti) at Shayne nang humarap sa press after the show. Labis-labis ang pasasalamat nila sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang mga mahal sa buhay, mga fans at kahit ang mga kaharap na entertainment press, dahil sa pagsusulat daw sa kanila para makilala sila.

May maganda kaming isi-share kay Shayne na unang nakilala ng mga press na hirap talaga sa buhay na pinalaki ng kanyang lola pero gusto niyang magsapalarang makapasok sa StarStruck dahil gusto niya talagang mag-artista. Hindi nga niya ikinahiyang sabihin na kapag kailangan niyang mag-report sa StarStruck, nangungutang ang lola niya ng pamasahe mula sa kanila sa Binangonan, Rizal hanggang GMA. Isa sa mga press na kaharap niya ang nagbigay ng pera sa kanya at sinabing tanggapin niya iyon baka makapasok siya sa Final 4. True enough, isa nga si Shayne sa Final 4, kaya nang i-present silang apat, muling binigyan ng pera ng same reporter si Shayne, ayaw na sana niyang tanggapin ang pera, pero sabi sa kanya, “malay mo ikaw ang manalo” at tinanggap ito ni Shayne.

Si Kim naman ay labis ang pasasalamat na hindi na raw nila maibebenta ang bahay nila sa Balayan, Batangas, hindi na sila titira sa maliit na bahay, at mababayaran na nila ang mga utang nila.

Parehong magpapatuloy ng studies nila sina Kim at Shayne. Si Shayne ay nasa Grade 12 at tatapusin niya ito sa pamamagitan ng home study. Nasa college naman si Kim. Nangako rin ang dalawa na lalo nilang pagbubutihin ang pag-arte nila kapag binigyan na sila ng projects ng GMA Network.

-NORA V. CALDERON