HINDI talaga kami makatagal kapag suspense horror ang pinapanood namin dahil wala kaming ginawa kundi pumikit at ito ang nangyari sa amin sa screening ng iWant digital horror movie na Abandoned na ginanap sa Santolan Town Plaza nitong Biyernes na dinaluhan nina Beauty Gonzales, Nico Antonio, Seth Fedelin at iba pang kasama sa pelikula na produced ng Dreamscape Entertainment at Quantum Films.

beauty, seth

Ang Abandoned ay idinirihe ni Kip Oebanda, na kuwento ng mag-inang Simone (Beauty) isang security guard at mag-isang pinapalaki ang nag-iisang anak na si RJ (Seth).

Nagkaroon ng traumatic experience si Beauty sa bankong una niyang assignment kung saan nagkaroon ng holdup-robbery at namatay ang lahat ng kasamahan niya na hindi niya nagawang ipagtanggol.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

At dahil dito ay may agam-agam siya kung tatanggapin pa siya ng boss niya sa agency pero binigyan naman ng bagong assignment, sa isang abandoned building bilang night shift security guard.

Ang nasabing building ay pinamumugaran ng spiritual elements at dahil nag-iisa at may halong takot na rin kaya muling bumabalik ang karanasan niya sa bangko na namatay ang mga kasamahan. Sa madaling salita may gumugulo na sa isipan ng aktres.

Si Seth naman ay ramdam ang hirap ng ina kaya hindi na siya pumapasok sa eskuwelahan at tumatambay na lang sa internet shop para sa online business na pinasok kung saan nakita siya ni Beauty.

P e r o h i n d i muna i t o ipinaalam ni Beauty kay Seth hanggang sa magdiwang ng kaarawan ang binata at dito dumalaw ang maestra at nabanggit na hindi na nga pumapasok ang anak.

Dito na naguluhan lalo ang pag-iisip ni Beauty kapag nasa trabaho dahil niloloko siya ni Seth na sinasabing pumapasok sa eskuwelahan pero hindi naman pala gayung tinitiis niyang magbantay ng abandoned building na gabi-gabi ay nakakaramdam siya nang takot.

Hanggang sa lumala at nagkaroon na ng problema sa pag-iisip at ipinasok na sa institusyon na inakala ng doktor niya ay magaling na dahil binabaan na ang dosage ng gamot, hindi pa pala.

Wala kaming kuwestiyon pagdating sa pag-arte nina Beauty at Seth dahil parehong mahusay.

Napansin lang namin na very Daniel Padilla ang boses at pag-arte ni Seth kaya ang bilis ng pagsikat ng batang ito at malaking tulong na napabilang sila sa Kadenang Ginto bilang The Gold Squad kasama sina Andrea Brillantes, Francine Diaz at Kyle Echari.

Going back to Beauty ay inamin niyang nagulat siya kay Seth dahil nakita niya ang PBB days ng binatilyo na mahiyain at laging nasa isang tabi. Pero nakita na niyang street smart ang bagets.

“It’s nice working with new people na wala pang alam na arte so for me, challenging at nakaka-refresh din ng acting. Kasi minsan kapag marami ka nang ginagawang project, alam mo na kung paano mag-react. Kaya refreshing to work with baguhan,” paglalarawan ng aktres kay Seth.

Dagdag pa, “sobrang good ni Seth, nag-work ang samahan namin as mother and son.”

Inaming ingat na ingat din si Beauty sa eksenang may gunting sa leeg ni Seth dahil baka dumulas at malagot siya.

Kasalukuyang umeere thru live streaming ang Abandoned sa iWant.

-REGGEE BONOAN