TILIAN at palakpakan ang mga fans nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix nang mag-appear ang young actor sa Sunday PinaSaya last Sunday. Nasorpresa ang audience, dahil matagal nang hindi nila napapanood si Miguel sa Sunday noontime show. Nagpaalam kasi si Miguel sa management na pahinga na muna siya sa show every Sunday dahil iyon daw lamang ang pahinga niya since nagti-taping siya ng epic-serye nila ni Bianca, ang Sahaya at patuloy ang studies niya sa college, taking up Entrepreneurship. Sa show, sweet-sweetan sina Miguel at Bianca, kaya naman masayang-masaya ang mga fans nila.

BiGuel

But, patapos na ang Sahaya kaya kailangan nang mag-promote muli ni Miguel.

Matitindi na kasi ang mga eksena dahil naging palaban na si Sahaya at kahit si Miguel as Ahmad, ay lumalaban na rin sa mga nanggugulo sa kanilang kampong (Badyaw tribe) sa pangunguna ni Hubert (Eric Quizon) at mga tauhan nito.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang kaabang-abang naman kay Sahaya ay kung paano niya mapapatunayan na tunay siyang anak ni Harold (Zoren Legaspi) sa inang si Manisan (Mylene Dizon), nang mamatay ang ama dahil binaril ni Salida (Snooky). Tiyak na maganda ang court scene sa paghaharap na nina Sahaya at Irene (Ana Roces) ang legal wife ni Harold, na ginagawa ang lahat para hindi makakuha ng mana si Sahaya, kahit nag-iwan naman ng last will at testament si Harold.

-Nora V. Calderon