May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Bahay ni Pilita Corales, ibinebenta sa halagang ₱24M!

Bahay ni Pilita Corales, ibinebenta sa halagang ₱24M!
Photo courtesy: Ryii Nocus via House and Lot for Sale Metro Manila (FB), Janine Gutierrez (FB)

Naka-rush sale sa isang public social media group ang bahay na dating pinagmamay-ari umano ng nag-iisang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corales, sa halagang ₱24 milyon. 

Ayon sa ulat ng PEP.ph, makikita sa nasabing Facebook community group na nasa listing ang bahay ng beteranang performer at aktres bilang “Bahay Pilita Corrales,” na matatagpuan sa Jackielou Ville, BF Homes, Parañaque City, noong Sabado, Marso 14. 

Narito ang features ng 2-Storey House na idinetalye sa post: 

- Apat na malalaking kuwarto

- Apat na banyo

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

- Dedicated home office 

- Driver’s Quarters with own toilet

- Maid’s Quarters with own toilet

- Four-car garage

- Solar heater

- Sariling water tank at motor

Ayon pa sa post, ang bahay ni Pilita ay “semi-furnished” na rin at mayroong “solid, high-quality construction.” 

Ito rin ay may lot area na may laking 446 sqm; floor area na 350 sqm; at second floor na 180 sqm. 

Nakalagay din sa post na kasalukuyan itong bukas para sa mga nais makita ng personal ang bahay. 

Matatandaang pumanaw sa edad na 85 taong gulang si Pilita noong Abril 2025. 

Una siyang nadiskubre sa Australia kung saan bumida ang recording niya na “Come Closer to Me,” at mas yumabong pa ang kaniyang karera sa Pilipinas nang bumida siya sa isang stage show noon na “La Taberna.” 

Ilan din sa naging hits ng beteranang singer ay ang “Dahil Sa Iyo,” “Irog Ako ay Mahalin,” at “Hinahanap Kita,” mula sa kaniyang blockbuster album na “Philippine Love Songs.” 

MAKI-BALITA: Pilita Corales—Asia’s Queen of Songs, pumanaw sa edad na 85