KUMPIYANSA si actor Gerard Anderson na makakaalpas ang Imus-Khaleb Shawarma/GLC sa kabila nang magkakasunod na kabiguan sa Lakan Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

ANDERSON: Sandigan ng Team Imus

ANDERSON: Sandigan ng Team Imus

Inamin ni Anderson na dagok sa kampanya ng Team Imus ang kaganapan, ngunit ang pagpupursige ng bawat isa na matuto at madevelop ang samahan ay tapik sa balikat sa kanilang hanay.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Maging si head coach Mac Cuan ay naniniwala na mas mabangis na Strikers ang makikita sa mga susunod na laro ng Imus.

Galing sa kabiguan ang Team Imus kontra Paranaque, Bataan, at Quezon City para sa 2-6 karta sa Southern Division.

Sa nakatakdang laro sa Nueva Ecija sa Batangas, inaasahan ni Cuan na magpapakitang gilas ang koponan.

"I think number one is the focus and mental preparation. The last three losses were all more on mental, not physical anymore," sambit ni Cuan.

"You can't win giving the other team what they want to do. I just have to keep correcting and reminding them, and that's it. Nasa kanila na yun kung paano ang approach nila sa game."

Kinatigan ito ni Anderson, isa sa maasahan ng Imus na may average 7.7 puntos.

"Ee came up short. I think effort and just sipag ang kailangan," pahayag ni Anderson.

Aniya, hindi nakailangan ang pagbabago sa line-up dahil nagsisimula na umanong mag-jel ang tropa sa diskarte ng bawat isa.

"I wouldn't change this team. Naniniwala pa rin ako. It's still a rebuilding team. But like I always say, practice makes perfect," sambit ni Anderson.

"At one point, we have to do something, hindi pwedeng puro sayang,"pahayag ni Cuan, dating mentor ng Asian Basketball League.