PAANO nga ba binabalanse ng TNT Boys ang kanilang career, pag-aaral, at pag-eenjoy bilang mga bata? Ano ang mga pinagdaanan nila bago makamit ang tagumpay at ano pa nga ba ang aabangan mula sa kanila?

TNT Boys

Makisakay sa makulay na byahe ng TNT Boys mula sa pagiging maliliit na batang nangarap hanggang sa nakilala ng buong mundo sa iWant original documentary series na TNT Boys: Journey to the World Stage.

Mapapanood sa docu series ang behind-the-scenes footage na magpapakita sa hindi malilimutang tagumpay na nakamit at pagkakaibigang nabuo ng TNT Boys, na nagbigay ng inspirasyon sa kanilang mga tagasubaybay.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bago pa man nakilala ang trio sa buong mundo at ng idolo nilang si Ariana Grande, pinabilib na nina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez, at Francis Concepcion ang madlang people bilang grand finalists sa “Tawag ng Tanghalan Kids” sa It’s Showtime. Hindi man nagwagi sa kumpetisyon, mas pinatibay lamang nito ang kanilang mga loob para ipagpatuloy ang pagkanta at pagsungkit ng kanilang mga pangarap para sa kani-kanilang pamilya.

Opisyal na nabuo bilang trio ang tatlo pagkatapos ng viral showdown nila sa Gandang Gabi Vice noong 2017, at mula noon ay sunud-sunod na ang pagkilalang natanggap ng mga ito.

Sila rin ang itinanghal na grand winner ng ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar Kids, kung saan napansin sila ng international media at fans para sa kanilang panggagaya sa ilang music icons gaya ng Bee Gees at nina Jessie J, Nicki Minaj, at Ariana Grande.

Matinding galing sa pag-awit ang kanilang ipinamalas na nagdala sa kanila sa iba’t ibang panig ng mundo, kabilang na sa Little Big Shots UK, US, at Australia.

Nagbigay-daan ito para makatungtong sila sa world stage at mapasama sa international talent competition na The World’s Best ng US TV network na CBS, kung saan paulit-ulit silang pinuri ng Hollywood stars na sina Ru Paul, Faith Hill, at Drew Barrymore. Nag-trending din ang guesting nila sa The Late Late Show with James Corden, kung saan nakapag-perform sila kasama ang kanilang idolo na si Ariana.

Noong nakaraang taon naman, nag-perform sila para sa libu-libong fans sa Listen: The Big Shot Concert, na siyang naghirang sa kanila bilang pinakabatang artists na sold out ang isang major concert, hindi lang sa makasaysayang Araneta Coliseum, kundi sa buong bansa.

-Mercy Lejarde