UNANG nagpahayag ng suporta kay Bea Alonzo si Gretchen Barretto nang mag-post ang huli ng words of encouragement para sa aktres sa gitna ng isyu ng break-up nila Gerald Anderson.

Gretchen, Claudine, Julia, Marjorie, Bea

Nitong huli, si Claudine Barretto naman ang nagpahayag ng suporta kay Bea by posting comments on Bea’s Instagram (IG). Unang sinabi ni Claudine ay, “You are loved” na sinundan ng, “You are loved. Sending u my love and hugs.”

Tanong ng netizens, sumawsaw ba sa isyu si Claudine o gusto lang asarin sina Julia Barretto at ina nitong si Marjorie Barretto?

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Bago ang words of support kay Bea, nag-post si Claudine ng quotation card na, “Oh, I’m sorry. I forgot, I only exist when you need something.”

Nag-comment si Gretchen sa post at sabi, “Correct. Do not allow others to abuse your kindness. Is it the mother daughter team?” na sinagot naman ni Claudine ng, “I thank God I have u.”

-NITZ MIRALLES