Laro Ngayon

(MOA Arena)

7:00 n.g. -- Alaska vs Meralco

NAKATAKDANG pag-agawan ng Alaska at Meralco ang ikawalo at huling quarterfinals berth sa pagtutuos ngayong gabi sa playoff match ng 2019 PBA Commissioners Cup sa MOA Arena sa Pasay.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

PENDONG! Naisalpak ng import ng Talk ‘N Text ang two-handed dunk, sakabila nang ibinigay na foul ng karibal mula sa Magnolia sa isang tagpo ngkanilang laro sa PBA Commissioners’ Cup.

PENDONG! Naisalpak ng import ng Talk ‘N Text ang two-handed dunk, sakabila nang ibinigay na foul ng karibal mula sa Magnolia sa isang tagpo ngkanilang laro sa PBA Commissioners’ Cup.

Nasilat ng Bolts ang San Miguel Beermen, 95-91, nitong Miyerkules ng gabi para tumapos na may 4-7 karta kapantay ng Phoenix at Alaska.

Ngunit, dahil sa mababang quotient, awtomatikong nalaglag ang Fuel Masters at naiwan ang Aces at Bolts upang paglabanan ang 8th spot.Nagawa rin nilang tapusin ang kinasadlakang 5-game losing skid.

Nagwang madomina ni import Delroy James ang karibal na Beermen Chris McCollough sa final stretch ng kanilang laban ang muling sasandigan ng Meralco upang pamunuan ang koponan para maangkin ang karapatang hamunin ang top seed TNT Katropa sa quarterfinals.

Ganap na 7:00 ngayong gabi ang knockout match ng Aces at ng Bolt

Gaya ng Meralco,tatangkain ng Alaska na putulin ang kinalugmukan nilang 5-game losing streak upang makamit ang inaasam na huling quarterfinals slot.

Sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon, pinanghahawakan pa rin ang kanilang gahiblang tsansa ni Alaska coach Alex Compton.

“Apparently, we still have a sliver of a thread of hope and we’re gonna fight for that and as long as there’s life left, we’re gonna honor the game,” anang Aces mentor.

“We got a chance. So it might be a small chance, it might not be a big chance, but you got a chance,” aniya.

-Marivic Awitan