IPINOST ni Xian Lim ang ID niya sa Cinemalaya na ang nakasulat ay “Filmmaker” at hindi aktor dahil siya ang direktor ng Cinemalaya entry na Tabon.

Xian

Sobrang proud ang aktor dahil ngayon ay isa na siyang direktor at napili pa nga niyang directorial debut ay sa Cinemalaya. Idagdag pa na siya rin ang sumulat ng istorya ng pelikula at katulong din siya sa pagsusulat ng script.

Si Xian din ang producer ng movie under his XL8 Productions, kaya maiintindihan kung bakit sobra ang saya ni Xian sa bagong chapter ng showbiz career niya - ang makagawa ng pelikula para sa Cinemalaya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kaya ang caption nito sa naturang post ay: “Thank you Lord eto na ang pinakamasayang pa-birthday Mo sa akin! Maraming maraming salamat po!”

Kabilang sa nagpaabot ng pagbati kay Xian ay ang girlfriend niyang si Kim Chiu na sinagot ni Xian ng three heart emojis. Nakakataba rin ng puso na hindi na lang Xian ang tawag sa aktor ngayon, kundi “Direk Xian.”

Mauuna yatang mapanood ang Tabon na dinirehe ni Xian kaysa pelikula nila ni Cristine Reyes sa Viva Films na Untrue. Batay sa teaser ay mukhang interesting ang concept ng movie mula sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

-Nitz Miralles