TAWANG-TAWA kami kay Kim Molina nang mapanood namin ang digital movie nila ni Kit Thompson na Momol Nights sa IWant nitong Lunes ng gabi dahil ang husay-husay niya, maganda ang timing niya at hindi hard sell ang pagpapatawa.

rptnb

rptnb

Millenial ang atake niya sa jokes kasi nga mga milenyal ang target audience ng Momol Nights. Hindi kami milenya pero bentang-benta sa amin ang kuwento nila ni Kit.

Actually, hindi naman limitado sa millenials ang kuwento ng Momol Nights dahil maski naman noong nag-aaral pa kami sa kolehiyo (80’s) ay uso na ang ganitong mga eksena, iba nga lang ang mga terminong ginagamit, ang tanda namin ay one night stands at no string attached.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kaya sakay namin ang kuwento ng love story nina Peng (Kim) at Marco (Kit) at in fairness, may chemistry ang dalawa bagay sila as partners.

Tama lang na sa IWant ito mapanood dahil sa daring scenes at vulgar languages kaya nakadagdag aliw pa ito sa manonood dahil real talk ito.

Minsan na naming naka-tsikahan sa presscon si Kim at nakakatuwa siyang kausap kasi hindi pa showbiz sumagot, sana hindi siya kainin ng sistema.

At si Kit, mukhang na-enjoy na niya ang pagpapa-sexy dahil pagkatapos nitong Momol Nights ay mapapanood naman siya sa Belle Douleur o Beautiful Pain sa English para sa 2019 Cinemalaya Film Festival mula sa Quantum Films na idinirek ni Atty Joji Alonso.

Sa Sinong May Sala: Mea Culpa ay nagkaroon din sila ng sexy scenes ni Ivana Alawi as Lolita.

Ang lakas din naman ng dating ni Kit sa kababaihan kaya kinukuha siya sa mga ganitong eksena.

Going back to Momol Nights, nitong Hunyo 29, Sabado, palang ito ipinalabas sa iWant at isa na agad sa most viewed movie na umabot na sa 26,651 as of this writing. Ang Kim-Kit tandem ay handog ng Dreamscape Digital at Lonewolf Films.

-REGGEE BONOAN