Nagpositibo sa paggamit ng droga ang isang dating pari na naaresto kamakailan sa isang drug bust operation sa Matalam, North Cotabato.

PRIEST

Sinabi ni Col. Maximo Layugan, Cotabato Police Provincial Office director, na nagpositibo sa drug test si John Ferolin, 42, dating pari ng Mission Society of the Philippines, matapos itong maaresto sa isang drug entrapment operation ng pulisya sa palengke ng Matalam, nitong Hunyo 18.

Sa nasabing operasyon, narekober umano mula kay Ferolin ang ilang gramo ng shabu.

Probinsya

Mga isdang kabilang sa ‘regulated and threatened species,’ nasabat sa Palawan

Ayon naman kay Major Joseph Brian Placer, hepe ng Matalam Police, kabilang si Ferolin sa high-value drug personalities watch list, na naaresto noong 2016 sa pagbebenta umano ng shabu sa Midsayap.

Pinalaya siya noong 2018 sa bisa ng bargaining plea sa korte.

“The suspect seemed to have not abandoned his links to illegal drug trade after he was released from detention,” ani Placer.

Nakapiit na sa presinto ng Matalam Police ang dating pari, na kinasuhan na rin.

-Joseph Jubelag