BINATI ng Viva Films si Nadine Lustre sa pagkakapanalo nito bilang Best Actress sa 42nd Gawad Urian Awards para sa pelikulang Never Not Love You. Kung may mga nagduda sa pananalo ni Nadine sa FAMAS from the same movie, wala na siguro silang masasabi dahil sa Urian ay siya pa rin ang nagwagi.

Nadine copy

Ang ganda ng mensahe ng supporters ni Nadine sa kanyang bagong acting award. Deserve raw ni Nadine ang award, dahil naipakita raw ng aktres ang galing sa pag-acting sa pagbitaw ng mga dialogue at labas ng emosyon sa mga mata. May nagwi-wish pa nga na maka-grand slam si Nadine, pero malabo na ito dahil sa rami ng award giving body na iba’t iba rin ang winners.

Pero may mga hindi pa rin naniniwalang mananalo si Nadine at sa Urian pa. Napanood daw nila ang movie at na-bore sila, kaya nagulat sila kung bakit nanalong Best Actress sa Urian ang aktres.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, malapit na ang showing ng dance movie ng Viva Films na Indak starring Nadine and Sam Concepcion. Ibang husay naman ang ipamamalas ni Nadine sa nasabing pelikula.

-Nitz Miralles