PABIRO ang sagot ni Bea Alonzo nang tanungin kung may ginagawa nga ba silang reunion project ni John Lloyd Cruz.

Bea at John Lloyd_PAKI-CROP NA LANG 'YUNG FAN

“Secret!” ang sagot niyang quotes sa ulat ng ABS-CBN News.

Nagsimula ang nasabing mga espekulasyon nang isang fan page para kay John Lloyd ang nag-post ng litrato ng dalawa, kasama ang isang tagahanga, habang nasa El Nido, Palawan. Kasunod nito, kumalat naman online ang video nina Bea at Lloydie kasama ang tatlong cameraman.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Isa sa mga ito ay nakilalang ang comedian-host-director na si Jun Sabayton, na makikita ring nagbibigay ng instructions sa mga mistulang “extras”.

Habang isinusulat ang balitang ito, walang kumpirmadong detalyeng lumabas kung totoong may balik-tambalan ang dating magka-love team.

Matatandaang naka-indefinite leave si John Lloyd sa showbiz simula 2017. Gayunman, hindi siya tinantanan ng mga followers na tuluy-tuloy na nagbabalita ng mga updates tungkol sa aktor, mula sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Ellen Adarna hanggang sa panganganak ng sexy actress sa kanilang panganay noong Hunyo ng nakaraang taon.

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Bea na masayang makita muli si Lloydie.

“We had a good time there (in Palawan), we were with friends also. But I can’t disclose what it’s for, yet! Pero, ano ‘yan, surprise!

“Matagal kaming hindi nagkita, but we never lost touch,” sabi pa ni Bea.

“Nami-miss ko siyang makatrabaho. I’m sure maraming nakaka-miss din sa kanya na tao na manonood ng pelikula.”

Ilang beses nang nagtambal sa teleserye at pelikula sina Bea at Lloydie, at ang una nilang project ay ang seryeng Kay Tagal Kang Hinintay (2002). Blockbuster din ang mga pelikula nila, partikular ang One More Chance at A Second Chance.

-REGINA MAE PARUNGAO