PORMAL nang nagbukas nitong Huwebes ang third branch ng Concha’s Garden Café restaurant ni Alden Richards sa Silang, Cavite.

Alden at Gemma

Ang nasabing restaurant ay unang pag-aari ni Gemma Sembrano, ang business partner ni Alden, na binili na ng aktor. Nagkataon namang nagkaroon ng road widening sa lugar, kaya naapektuhan ito at kinailangang ipa-renovate ni Alden, at ngayon nga lang ito puwedeng buksan muli.

Last Tuesday, May 28, ginawa ni Fr. Jeff Quintela ang blessing with Alden and Gemma in attendance sa ribbon-cutting. Bale iyon na rin ang soft opening ng resto, at pagkatapos ng blessing at paghahagis ng coins, hinarap na ni Alden ang mga guests na dumalo. Naging open sa mga TV interviews si Alden.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Inamin ni Alden na ang food business talaga ang naisipan niyang paglagyan ng mga kinikita niya sa showbiz. Biro niya, three times a day kumakain ang mga Pinoy. Pinag-aralan daw muna niya iyon at humanap siya ng ka-partner sa business na maaasahan niya, at si Gemma nga raw iyon.

Si Gemma ay isang chef at husband niya ang brother ng broadcaster na si Bernadette Sembrano. Kaya kahit busy si Alden sa showbiz commitments niya at kahit siya lumalabas ng bansa, hindi siya nagwo-worry dahil may inaasahan siyang naiiwan sa kanyang business.

Sa lahat ng ito, labis-labis ang pasasalamat ni Alden sa mga blessings na dumarating sa kanya, at pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanyang business.

Open na rin for franchise ang Concha’s, at thankful si Alden dahil mayroon na silang mga franchisee sa ibang lugar.

Sa Saturday, June 1, naman ang opening ng fourth branch ni Alden, ang Concha’s Garden Cafe sa Tagaytay Highlands, na sabi ay exclusive para sa mga lot owners ng Tagaytay Highlands.

Ang dalawa pang restaurants ni Alden ay sa Tagaytay Cliffhouse at sa Scout Madrinan sa Quezon City.

Congratulations, Alden!

-NORA V. CALDERON