INIALAY ni Philippine junior swimming sensation Micaela Jasmine Mojdeh ang panibagong tagumpay sa namayapang mentor na si Olympian Susan Papa, pangulo ng Philippine Swimming League (PSL).

GOLDEN GIRL! Muling iwinagayway ni Micaela Jasmine Mojdeh, 12, ang bandila ng bansa sa matagumpay na kampanya – walong ginto at isang silver medal – sa 2019 Ralph Hicken International Swimming Championship sa Ontario Canada.

GOLDEN GIRL! Muling iwinagayway ni Micaela Jasmine Mojdeh, 12, ang bandila ng bansa sa matagumpay na kampanya – walong ginto at isang silver medal – sa 2019 Ralph Hicken International Swimming Championship sa Ontario Canada.

Kipkip ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng itinuring na isa sa nakaimpluwensuya sa kanyang career, kinumpleto ng 12-anyos Palarong Pambansa standout ang kampanya sa 2019 Ralph Hicken International Swimming Championship sa nasungkit na dalawang ginto at isang silver sa pagtatapos ng torneo nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Markham PanAm Center sa Ontario, Canada.

Nasungkit ni Mojdeh ang gintong medalya sa girls 11-12 200-meter butterfly sa tyempong 2:22.72, gayundin sa girls 12-under 100-meter breaststroke sa bilis na 1:19.13. Sumegunda naman siya sa 100-meter free style (1:02.76).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kabuuan, humakot ang pambato ng Immaculate Heart of Mary School sa Paranaque ng walong ginto matapos walisin ang unang anim na events na nilahukan sa apat na araw na torneo na nagtatampok sa pinakamatitikas na junior swimmers sa mundo.

Nauna niyang nadomina ang 200-m Individual Medley (2:31.35), 100-m fly (1:04.74), 200-m breast (2:50.23), kung saan nalagpasan niya ang dating marka na 1:15.01 (fly) at 2:48.74 (IM).

Sa unang araw ng kompetisyon, nakuha niya ang Girls 12-under 50-meter breaststroke sa tyempong 36.69 segundo kontra kay Olivia Sander ng USA (37.56). Humirit din ang 12-anyos veteran age-grouper internationalist sa 400m IM ng Girls 10-12 class sa oras na 5:21.78, kontra kina American Lindsay Gordon (5:35.08) at Piper Mitchel (5:44.11). Nakumpleto niya ang three-event sweep nang manguna sa Girls 12-under 50-meter fly, sa tyempong 29.71 segundo laban kina Canadian Isabel Marshall (30.86) at Jasmine Nichols (30.91).

Naitala rin ni Mojdeh ang bagong national junior record sa 100-m fly (1:04.74) matapos lagpasan ang 1:05.20 na naitala ni Camille Buico sa UAAP may tatlong taon na ang nakalilipas.

Magkahalong lungkot at saya ang nadarama ni Mojdeh bunsod ng pagpanaw si Papa.

“Nagpapasalamat po ako kay coach Susan. Sa lahat po ng itinuro niya sa akin. Hindi ko po siya makakalimutan. Mahal na mahal ko siya. Para po sa kanya pagkapanalo ko po,” pahayag ni Mojdeh sa mensaheng ipinadala sa Facebook messenger.

Anim na taon pa lamang si Mojdeh nang una niyang naging mentor si Papa na kalauna’y naging pangulo ng kanilang grupo na PSL.

Ipinarating din ni Joan, ina ni Mojdeh, ang pasasalamat at pakikidalamhati sa pamilya ng namayapang Olympian.

“I just wanna tell her that our family will forever be grateful to her because she has greatly impacted our lives with all the wonderful things she shared with us and let us experience. Especially in honing our child Jasmine together with her brother,” pahayag ni Joan.

-Annie Abad