MANANATILING mabangis na Tigers ang frontliners ng Davao Occidental Cocolife na sina Mark Yee,Bonbon Custodio,Billy Robles at Bogs Raymundo sa kanilang pagsabak sa panibagong edisyon ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)sa susunod na buwan.

Ayon Kay Davao Cocolife Tigers Asst. Team manager Ray Alao,intact ang starters ng MPBL Datu Cup Southern Conference champion at runner-up ng national finals maliban kay slotmn Leo Najorda na nasa estado pa ng renegotiation.

Gayundin ang mga homegrown talents ng Mindanao team ni Cong.Claudine Bautista na itinataguyod naman nina Cocolife president Jose Martin Loon ,FVP Joseph Ronquillo at AVP Rowena Asnan,at mananatili sa koponan maliban sa konting pagbabago.

Dahil ang susunod na edisyon ng ligang inorganisa ni Sen. Manny Pacquiao na nagpapahintulot na ng dalawang Fil-Foreign players, tiniyak ng coaching staffs ng Tigers na makakakuha sila ng mahuhusay na mestisong manlalaro upang lalong paigtingin ang kanilang misyong mahablot na ang national championship sa MPBL.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!