Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

2:00 n.h. -- Marinerong Pilipino vs Perpetual

4:00 n.h. -- CEU vs Wangs Basketball

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

SOLONG pamumuno sa Foundation Group ang tatangkain ng Centro Escolar University sa pagsagupa sa out of contention ng Wangs Basketball sa tampok na laban ngayon sa 2019 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nakatakdang magsagupa ang Scorpions at ang Couriers ganap na 4:00 ng hapon matapos ang unang salpukan sa pagitan ng Marinerong Pilipino at University of Perpetual Help ganap na 2:00 ng hamon.

Kasalukuyang namumuno ang CEU kasalo ng Valencia City-San Sebastian hawak ang kartadang 6-1 at kapwa nakakatitiyak na ng twice-to-beat incentive papasok ng playoffs.

Tatangkain ng CEU na makabawi sa natamong kabiguan sa nakaraan nilang laban sa kamay ng SMDC-NU na tumapos sa nauna nilang 6-game winning run sa iskor na 67-74 nitong Abril 25.

Sa panig naman ng Wangs, magsisilbi na lamang silang spoiler para sa CEU dahil laglag na sila sa top 4 ng grupo sa taglay na markang 3-5.

Sa unang laban, patuloy na bubuhayin ng Marinerong Pilipino ang gahiblang tsansa para sa huling playoff berth ng Foundation Group.

Tatangkain ng Skippers, galing sa 88-85 na panalo kontra Metropac-San Beda na kumalas buhat sa pagkakatabla nila ng Diliman Gerry’s Grill sa ika-4 na puwesto hawak ang markang 4-4.

Gaya naman ng Couriers na wala na sa kontensiyon, pagandahin na lamang ang hawak nilang 2-5 na rekord ang University of Perpetual Help

-Marivic Awitan