ABALA ngayon si Zsa Zsa Padilla sa concert niya sa Huwebes.

Zsa zsa copy

May title na Totally Zsa Zsa, gaganapin ang concert sa Newport Resort and Performing Arts this Thursday, May 16.

Mistulang birthday concert na rin marahil ito ng singer. Sa kanyang guesting recently sa Tonight With Boy Abunda, isang advance happy birthday greetings ang bungad sa kanya ni Boy Abunda, dahil Zsa Zsa will turn a year “younger” sa May 28.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

The Divine Diva looks radiant, dala na rin siguro ng planong pagpapakasal niya sa kanyang boyfriend na si Architect Conrad Onglao.

Sa nasabing guesting, naikuwento ni Zsa Zsa ang tungkol sa pagkakabuking niya ng fake wedding niya sa isang Japanese, nang mag-apply sila ng certificate of marriage ng kanyang BF. Lumalabas sa record na ikinasal siya noong l992 sa isang Japanese, na hindi niya kilala.

Sa ngayon, napawalang-bisa na ang nasabing kasal ni Zsa Zsa, at napatawad na rin niya ang kung sino mang nasa likod ng nasabing pekeng kasal.

It would be the perfect birthday gift na matatanggap ni Zsa Zsa. Wala na ngayong hindrance sa pagpapakasal nila ni Conrad, and we are truly happy, especially for Zsa Zsa, who deserves all the happiness in the world.

-REMY UMEREZ