Inaresto ng pulisya ang isang lalaking Criminology graduate kaugnay ng reklamo ng isang 19-anyos na babae na pinipilit umano nitong makipagtalik sa kanya sa General Santos City, South Cotabato, kamakailan.

SEXTORTION

Ang suspek ay kinilala ng South Cotabato Police Office-

Regional Anti-Cybercrime Unit 12, na si Dan Amerson Mastura, ng nasabing lungsod.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa report ng mga awtoridad, dinakip si Mastura sa isang lodging house sa Barangay Dadiangas East, ng naturang lungsod, kamakalawa.

Naiulat ng pulisya, isang kakilala umano ng suspek ang nagbigay sa kanya ng mga larawan ng biktima.

Nakipag-chat pa umano ang suspek sa biktima at nagbanta na ipakakalat ang mga larawan nito kung hindi makikipagtalik sa kanya.

Dahil dito, dumulog sa Anti-Cybercrime Unit ang biktima at isinagawa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na sinampahan na ng kasong grave coercion at paglabag sa Republic Act 9995 o Anti Photo and Video Voyeurism Act in relation to Cybercrime Prevention Act.

-Fer Taboy