KAPANSIN-PANSIN na ngayon lang naging aktibo sa social media si Daniel Padilla, at ‘tila napapadalas din ang mga post niya at pagpapahayag ng pagmamahal para sa girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.

Noong Biyernes, May 3, tinawag ni Daniel si Kathryn na “my woman”. Ito ay matapos na i-post ng aktres ang kanyang cover photo para sa isang magazine shoot.

Sang-ayon naman si Kathryn na walang ibang nagmamay-ari ng kanyang puso kundi si Daniel. Balik-komento ng aktres: “YOURS”.

Humirit naman ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo: “My daughter”.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sumagot ulit si Daniel, this time kay Mommy Min: “My biyenan”.

Kapansin-pansin din ang pananabik ni Daniel na makapiling si Kathryn. Sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, ipinakita ng aktor ang isang litrato kung saan yakap-yakap niya si Kathryn.

Nag-Spanish pa si Daniel sa caption: “Nos vemos en un momento mi amor (See you in a moment, my love).

Sinagot ito ni Kathryn ng, “Few more hours!!!!”

April 8 nang lumipad papuntang Hong Kong sina Kathryn at Alden Richards, at ilang linggo ring namalagi si Kathryn roon para sa shooting ng Hello, Love, Goodbye, ang first movie team-up nila ni Alden.

Sa kalagitnaan ng shooting, bandang April 19, ay sorpresang bumisita si Daniel sa Hong Kong. Ikinatuwa ni Kathryn ang nasabing surprise visit, at napalundag pa nga siya sa tuwa nang makita ang BF.

Kilig na napasigaw noon si Kathryn ng “Tangi”, ang term of endearment nila ni Daniel, mula sa salitang itinatangi o iniirog.

Bilang ganti, si Kathryn naman ang lumipad pabalik ng Pilipinas para sorpresahin din ang kasintahang si Daniel sa salubong ng birthday ng aktor noong April 25. Agad ding bumalik sa HongKong ang aktres para tapusin ang nalalabing mga eksena niya with Alden.

As of presstime, balitang nakabalik na sa Pilipinas ang buong Star Cinema team, with Direk Cathy Garcia- Molina.

May 4, nag-post si Cacai Bautista—co-star ni Kathryn sa Hello, Love, Goodbye—ng huling bonding session ng female cast members ng pelikula bago sila umalis sa Hong Kong pabalik sa Pilipinas.

-ADOR V. SALUTA