TAOS-PUSONG pasasalamat ang handog ni Yasmien Kurdi sa lahat ng sumubaybay at tumangkilik sa GMA morning serye niyang Hiram Na Anak, na nagtapos na kahapon.

Yasmien at Lauren

Memorable sa kanya ang serye, dahil sa nabuong friendship mula sa staff, crew at cast na nakasama niya nang ilang buwan.

Isa sa naging masayang experience ni Yasmien sa Hiram Na Anak ay ang makatrabaho si Lauren Young.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Ayon kay Yasmien, masarap katrabaho si Lauren at madali silang nagkasundo sa pagtatrabaho.

“Ang saya magkuwento. Kahit nakakapagod at nakakantok gumagaan ‘yung work,” sabi ni Yasmien.

“Sana makatrabaho kita uli sa next project. Love you!” mensahe ni Yasmien kay Lauren.

Marami ring bagong natutuhan si Yasmien sa pakikipagtrabaho sa ibang cast members, at maging kay Direk Gil Tejada, Jr., na babaunin daw niya sa susunod niyang proyekto.

K, noted.

-Mercy Lejarde