KAMAKAILAN ay naka-tsikahan namin ang kilalang talent manager at tinanong kami kung sino ang pinariringgan ni Coco Martin sa kanyang social media account na recently ay maraming hanash ang aktor.

Kilala raw kasi si Coco na tahimik na tao at dedma sa mga isyung ikinakabit sa kanya kaya nagtataka ang talent manager na panay ang post ngayon ng aktor ng kung anu-ano.

Sabi namin na hanggang ngayong kasi ay hindi pa rin tinatantanan si Coco ng netizens tungkol sa isyung nanganak si Julia Montes at siya ang ama. Bakit daw kasi hindi nagsasalita ang aktor tungkol dito.

Sa totoo lang, ano nga ba ang dapat sabihin ni Coco sa isyu? Nasulat na namin dito sa BALITA na bakit kailangan na ang aktor ang magsalita?

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Sabi pa sa amin ng talent manager na ‘tila may isang taong pinariringgan ang bida ng FPJ’s Ang Probinsyano sa post nitong: “I’m too old to worry about who likes me and who dislikes me. I have more important things to do. If you love me, I love you. If you support me, I support you. If you hate me, I don’t care. Life goes on with or without you.”

Isa-isa naming binasa ang mga komento na may kinalaman sa post na ito ni Coco at para ito sa bashers niya na hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang tantanan. May mga nagsabing dati silang supporters ng aktor pero ngayon ay hindi na dahil nga hindi pa rin siya nagsasalita tungkol kay Julia. Gayunman, mas marami pa rin ang nagtatanggol kay Coco.

“Dapat hayaan na nila si Coco, busy siya sa Probinsyano at sa kampanya kina Senator Grace Poe, Lito Lapid at Mark Lapid,” pahayag ng talent manager na kausap namin.

Tama!

-REGGEE BONOAN