Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority ng dagdag na 30-minutong “heat stroke break” araw-araw para sa mga traffic enforcer at street sweeper.

(kuha ni CAMILLE ANTE)

(kuha ni CAMILLE ANTE)

Ito ay makaraang pirmahan ni MMDA Chairman Danilo Lim ang memorandum sa muling pagpapatupad sa “heat stroke break” policy para sa mga on-duty traffic enforcer at street sweeper, para maiwasan ang mga posibleng epekto ng matinding init, katulad ng heat exhaustion, heat stroke, at heat cramps.

Sa mga traffic enforcer, na naka-duty ng 5:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon, bibigyan sila ng heat stroke break simula 10:00 ng umaga hanggang 10:30 ng umaga, o 10:30 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga naka-duty naman ng 1:00 ng hapon-9:00 ng gabi ay may heat stroke break ng 2:30 ng hapon-3:00 ng hapon, o 3:00 ng hapon-3:30 ng hapon.

Ipaiiral naman ang heat stroke break mula 3:00 ng hapon-3:30 ng hapon, o 3:30 ng hapon-4:00 ng hapon para sa mga naka-duty ng 2:00 ng hapon-10:00 ng gabi.

Ang mga street sweeper na duty ng 6:00 ng umaga-2:00 ng hapon ay maaaring mag-break ng 11:00 ng umaga-11:30 ng umaga, o 11:30 ng umaga-12:00 ng tanghali; para sa mga naka-duty ng 7:00 ng umaga-4:00 ng hapon, maaaring mag-break ng 12:00 ng tanghali-1:00 ng hapon; habang ang mga duty ng 11:00 ng umaga-7:00 ng gabi ay maaaring mag-break ng 2:30 ng hapon-3:00 ng hapon, o 3:00 ng hapon-3:30 ng hapon.

Nilinaw ng MMDA na epektibo lang ang nasabing kautusan hanggang sa Mayo 31.

-Bella Gamotea