BINATI ni Kathryn Bernardo ng happy birthday ang boyfriend na si Daniel Padilla na 24th birthday sa April 26. Sa video muna binati ni Kathryn si Daniel dahil nasa Hongkong pa rin siya at nagsu-shooting ng Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye.

Daniel at Kathryn copy

Hi, love! Happy happy birthday! Madaming nagmamahal sa’yo. I will always love you, I will always protect you, and I will always be your number one fan. I love you so much.”

Mababati naman nang personal ni Kathryn si Daniel ng happy birthday dahil nangako si Daniel na dadalawin si Kathryn sa shooting nito sa Hongkong. Sa April 26 pa naman ang birthday ng aktor.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Aminadong naman silag nami-miss nila ang isa’t isa at kailangang dalawin ni Daniel si Kathryn dahil hanggang sa first week ng May pa ang shooting nila ni Alden sa Hongkong.

Maiksi ang birthday greetings ni Kathryn, pero puno ng pagmamahal, kaya naman kinilig ang kanilang fans. Hinihintay nila na bisitahin ni Daniel si Kathryn for more kilig scenes.

-NITZ MIRALLES