Napatay ang isang pulis nang pagbabarilin ito sa loob ng kanyang bahay sa Catbalogan City, Samar, kaninang madaling araw.

PULIS

Sa imbestigasyon ng Catbalogan City Police Office, dead on arrival sa Western Samar Provincial Hospital ang biktimang nakilalang si Staff Sergeant Kirk Walter Lorenzo, dahil sa tama ng bala sa ulo.

Sa paunang ulat ng mga awtoridad, nagpapahinga na ang biktima sa kanilang sofa matapos dumalo sa kanilang alumni homecoming sa Samar State University ilang oras lamang ang nakararaan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pinasok ng suspek ang biktima sa kanyang bahay sa Calachuchi St., Barangay Muñoz, at binaril ito, dakong 3:00 ng madaling araw.

Isinasailalim pa rin sa imbestigasyon ang kaso upang matukoy ang suspek at ang motibo sa krimen.

-Fer Taboy