CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite – Dalawa pang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na gamot ang napaslang nang pumalag umano ang mga ito sa magkahiwalay na operasyon ng pamahalaan kontra-droga sa Cavite, kamakailan.

SHOOTOUT

Ang dalawa ay kinilala ng Police Provincial Office (PPO) na sina Jervie Cortez Ignacio, 33, ng Soriano Street, Barangay 24, Cavite City, Cavite; at Asnawe Opiz Bayabao, ng Bgy.  Datu Esmael, Dasmariñas City.

Sa ulat ng mga awtoridad, nakipagbarilan umano sa mga pulis si

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ignacio nang isailalim ito sa buy-bust sa kanilang lugar, dakong 10:45 ng umaga. Binawian ito ng buhay sa Bautista Hospital, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober sa kanya ang isang cal. 38 revolver, pitaka nito na naglalaman umano ng anim na plastic sachet ng shabu at marked money.

Tumimbuwang naman si Bayabao matapos pumalag sa mga pulis na aaresto sana sa kanya matapos nitong bentahan ng iligal na droga sa Governor's Drive sa Bgy. Paliparan I, Dasmariñas City, dakong 11:40 ng gabi.

Nasamsam sa suspek ang isang cal. 38 revolver  at dalawang sachet ng iligal na droga.

-Anthony Giron