MAGANDA at mabango ang image ni Coco Martin sa viewers, at obvious na inaalagaan siya ng mga executives ng ABS-CBN. After all, poste ng network, pagdating sa ratings, ang FPJ’s Ang Probinsyano ng aktor.

Coco Martin copy

Pero may mga naririnig kami na may mga miyembro raw ng staff ng action serye ang ‘tila nahihirapan sa style ni Coco, na tumatayong director at scriptwriter.

But of course, kung totoo ito, bahagi ito ng trabaho ni Coco. At para sa mga lihim na nagrereklamo, suicide kung babanggain nila ang aktor. Bukod kasi sa nakapagtanim na ito ng maganda sa network, suportado siya ng nasa itaas.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

At nakapagtataka na may mga ganitong kuwento pala about Coco. Ang madalas kasing naririnig o nababasa ay kung gaano kabait at matulungin ang aktor.

Grudge could come from anywhere. They should watch out. May mga maliliit na butas na dapat tapalan o ayusin bago lumaki.

-Remy Umerez