Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Alaska vs Northport

7:00 n.g. -- Ginebra vs Meralco

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

LUMAPIT sa inaasam na twice-to-beat incentive ang tatangkain ng crowd darling Barangay Ginebra sa pagsagupa kontra Meralco ngayon sa 2019 PBA Philippine Cup.

Ganap na 7:00 ng gabi ang salpukan ng Kings at Bolts kasunod ng unang tapatan sa pagitan ng Alaska at Northport na magsisimula ng 4:30 ng hapon sa Araneta Coliseum sa Cubao.

Taglay ang markang 6-3, dalawang laro na lamang kabilang na ang laban nila ngayong gabi sa Meralco ang kailangang bunuin ng Kings upang makopo ang No.2 spot para sa pinag-aagawang bonus sa playoffs na nakuha na ng Phoenix Pulse bilang No.1.

Kapag naipanalo ng Kings ang laban, gayundin ang huling laro kontra Northport sa Miyerkules, tatabla sila sa Rain or Shine sa No.2 sa barahang 8-3.

Ngunit dahil tinalo nila ang Elasto Painters sa eliminations, ang Kings ang papasok na No.2 bunsod ng win-over-the-other rules.

Sakali namang masilat sila ng Bolts, ang Rain or Shine ang magkakamit ng ikalawang puwesto at ng kakambal nitong insentibo.

Marivic Awitan