Competitive? Baka para sa iyo ang sports na ito.

Face-slapping sport

Inilunsad kamakailan sa siyudad ng Krasknoyask sa Russia ang unang amateur face-slapping championship, kung saan kinakailangan lang sampalin ng magkatunggali ang isa’t isa hanggang sa ma-knock out ang isa sa kanila.

Sa ulat ng Oddity Central, idinaos ang kontrobersiyal na labanan sa Siberian Power Show, isang popular na sports sa lungsod. Bagamat, una nang idinaos sa Moscow para sa mga professional athlete, sa pagkakataon na ito binuksan ang kumpetisyon para sa mga amateurs o sa sinumang gustong sumubok.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Sa panuntunan ng laro, kinakailangan lamang sampalin ng magkatunggali ang isa’t isa habang magkaharap sa pagitan ng isang maliit na mesa na ginagamit sa mga arm-wrestling competition, hanggang sa ma-knock out ang isa mula sa sampal.