THIS early ay mukhang excited na ang mga fans nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado, na nagte-taping na ng first team-up nila sa GMA-7, ang teleseryeng Love You Two.

Jennylyn at Gabby

Inilabas na nga ang teaser ng romantic-comedy series, at totoong nakaka-good vibes ang fresh na tambalan ng dalawa, kaya naman nag-trending agad ito sa mga netizens.

Based sa teaser, sisters sina Raffy (Jen) at Sam (Shaira Diaz) na parehong na-in love kay Gabby. Over-protective lang ba si Raffy kay Sam o hindi niya in-expect na iisa pala ang lalaking minamahal nila? Ito rin ang first project ni Kiray Celis sa GMA Network.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Next month na, April, ito mapapanood kaya marami nang fans nina Jen at Gabby ang excited. Kahit ang mga teams abroad ay excited na rin, dahil sabay itong mapapanood dito sa atin at sa GMA Pinoy TV abroad.

Ang Love You Two ang ipapalit sa romantic-comedy series din ng GMA News & Public Affairs na TODA One I Love nina Kylie Padilla at Ruru Madrid, na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Sahaya.

Speaking of Jen, nakakatuwa naman ang naging reaksiyon si Dennis Trillo nang mag-post ang girlfriend niya ng napakaganda nitong photo sa IG na parang ikakasal.

Komento ni Dennis: “I love you!”

-NORA V. CALDERON