MAGDEDEPENSA sa ikalawang pagkakataon si WBC Asian Silver super featherweight champion “The Rock” Al Toyogon laban kay Japanese knockout artist Ryo Sagawa sa main event ng “Night of Champions” ni boxing promoter Gabriel “Bebot” Elorde sa Mayo 4 sa Elorde Sports Complex sa Parañaque City.

Natamo ng 21-anyos na si Toyogon ang bakanteng WBC Asian Silver title nang apat na beses pabagsakin bago napatigil sa 6th round ang kababayang si Nathan Bolcio sa Mall of Asia sa Pasay City noong nakaraang Setyembre 20.

Unang niyang naipagtanggol ang kanyang belt via decision kontra Japanese warrior Ryusei Ishii noong Enero 26 sa Elorde Sports Complex sa Paranaque City.

Ngayon lamang lalaban sa labas ng Japan ang 24-anyos na si Sagawa na may kartadang 6 panalo, 1 talo na may 4 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Toyogon na may rekord na 10-2-1 na may 6 pagwawagi sa knockouts.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

-Gilbert Espeña