Posibleng maging bagyo ang LPA na namataan sa silangang bahagi ng Mindanao, bago ito pumasok sa bansa ngayong weekend.

WEATHER

Sa huling weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa layong 2,100 kilometro sa silangan ng Mindanao ang LPA at posibleng maging bagyo sa loob ng 24-36 na oras pagpasok nito sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Sabado o Linggo, base sa track nito.

Kapag naging bagyo, tatawagin itong ‘Chedeng’, na inaasahang magla-landfall sa silangang bahagi ng Mindanao sa Lunes o Martes.

Eleksyon

Mga mananalong senador sa eleksyon, inordenahan ng Diyos — Tito Sotto

-Alexandria Dennise San Juan