MAY separation anxiety na si Jo Berry sa mga kasama niya sa magtatapos na nilang GMA primetime teleserye na Onanay.

Jo

“Hindi ko na po makakalimutan ang character kong si Onay,” sabi ni Jo. “Labis-labis po ang pasasalamat ko, hindi ko po ma-compose ang tamang paraan ng pasasalamat sa GMA Network sa opportunity na ibinigay nila sa akin, at sa lahat po ng mga kasama ko rito at sa mga taong sumusubaybay sa amin gabi-gabi.

“Ang ganda po kasi ng character ni Onay dito bilang isang nanay, na ang love ay very powerful, hindi nasusukat sa gender, height, o estado sa buhay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Marami rin po akong fear sa buhay na na-overcome ko rito. Like iyong fear ko sa water, nanlalamig talaga ako doon sa inilublob ako ni Ms. Cherie (Gil) sa pool at gusto niya akong i-choke. Grabe po ang alalay niya sa akin dahil nararamdaman niyang nanginginig ako.

“Iyon ding eksenang ikinulong ako sa kahon at gustong patayin, sinuportahan po ako ng cameraman at mga kasama sa set, pinaramdam nilang naroon lang sila, kung natatakot ako, kumatok lang ako.

“Si Direk Gina (Alajar), sinabing bilang isang actor, kailangan mong gawin ang hindi mo ginagawa. Huwag daw akong magbabago, dapat laging your feet is on the ground. Lahat po iyon ay tinatandaan ko.”

Happy ending naman ang gusto ni Jo para sa Onanay.

“Actually, hati po ang gusto kong finale. Minahal na kasi ni Onay si Lucas (Wendell Ramos) at gusto naman niyang lumigaya. Hindi na mababago ang kasalanang ginawa ni Lucas, na hindi naman niya ginusto dahil under the influence siya ng alcohol and drugs. Ibang tao ang may kagagawan kaya nangyari iyon.

“Sa totoo lang po, hindi pa namin alam kung ano talaga ang magiging finale, wala po kaming script at kapag may taping lamang kami saka namin makikita at pag-aaralan ang script.”

Habang nasa set nga kami, nakita naming ang pinag-aaralan nina Wendell at Mikee Quintos ay iyong eksenang nakikiusap si Lucas kay Maila (Mikee) na masamang-masama ang loob at ayaw tawaging ama si Lucas. Ipinalabas din iyon kinagabihan. At malalaman lang nila ang finale sa pagsu-shoot nila sa last taping day sa Wednesday, March 13.

-NORA V. CALDERON