SA pelikulang Ulan, ng Viva Films ay hindi si James Reid ang leading man ni Nadine Lustre kundi ang mahusay na aktor na si Carlo Aquino. Desisyon ito ng pamunuan ng Viva, which the sexy actress did not question.
Sa totoo lang, Nadine welcomed the move. Aprub din sa kanyang boyfriend at perennial leading man na si James ang naging hakbanging ito ng Viva.
“I welcome the idea of doing a project na iba ang aking katrabaho. It will make me grow as an artist,” sabi ni Nadine.
Nakaka-relate si Nadine sa role niya sa Ulan, na for the nth time ay nilinaw niyang hindi horror movie. Istorya ito ni Maya (Nadine) at ang kanyang paglalakbay in finding love and happiness.
Walang dudang feeling nasa cloud 9 pa rin si Nadine kapag si James ang pinag-uusapan.
“My transition kung ano ako noon at what I am now, ay utang ko kay James. He taught me how to be a better person and be calm in time of distress. At kung sakaling hindi na kami, he will have a special place in my heart,” sabi ni Nadine nang ma-interview siya sa Tonight With Boy Abunda.
Hindi rin totoo na nag-propose na ng kasal si James nang pumasyal sila sa The Farm, at wala rin siyang tinanggap ng singsing mula sa boyfriend.
Ang panayam ni Boy Abunda always ends with a line na kailangang tapusin ng kanyang guest.
“James is…” sabi ni Boy.
“James is everything and I cannot imagine living without him,” mabilis na dugtong ni Nadine.
“Is he faithful?”
“Yes, Tito Boy. He is faithful.”
Walang dudang Nadine is very much in love. A hopeless romantic tulad ni Maya, ang karakter na binigyan niya ng buhay sa Ulan. Mapapanood na ang pelikula sa Miyerkules, Marso 13.
-REMY UMEREZ