Inoobliga ng Department of Labor and Employment ang mga bus companies na magkaloob ng suweldo at performance-based incentive sa mga driver at konduktor simula sa Sabado, Marso 9.

(kuha ni Mark Balmores FILE: MBPICTURES)

(kuha ni Mark Balmores FILE: MBPICTURES)

“Kailangang bayaran na po sila ng tamang sahod at tamang overtime, kung merong overtime. Hindi kagaya noon na by commission,” sinabi ngayong Martes ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang panayam sa radyo.

“March 9 magsisimula na ang computation ng kanilang daily wage. Kagaya ng ordinary employees na po sila,” paalala pa ni Bello.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa kalihim, dapat na ikatuwa pa ito ng mga bus operators dahil isang paraan ito upang matiyak ang ligtas na biyahe ng kanilang mga pasahero.

“They should welcome this dahil they have to consider na iyong kanilang driver, konduktor, minsan nagkakaroon ng aksidente dahil kadalasan iyong ating mga driver kung anu-anong ginagawa para magkaroon ng maraming pasahero, para lalaki ang kanilang komisyon. Delikado iyon,” paliwanag ng kalihim.

Ang mabibigong magpasahod sa mga driver at konduktor ay babawian ng prangkisa, ayon kay Bello.

Batay sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) Guidelines No. 1 Series of 2019, dapat na ipatupad ng mga bus operators ang “a mutually-agreed upon” compensation scheme para sa mga driver at konduktor, habang ikinokonsidera ang kita, dami ng pasahero, kaligtasan, partikular na sitwasyon sa dinaraanang ruta, at “other relevant parameters."

“The fixed wage component shall be an amount mutually agreed upon by the public utility bus owners and/or operators and the driver/conductor and shall be paid in legal tender. It shall in no case be lower than the applicable minimum wage for work performed during normal hours/day,” anang NWPC.

Nilinaw din ng NWPC na karapatan ng mga driver at konduktor na tumanggap ng “wage-related benefits”, tulad ng overtime pay, nightshift differential, service incentive leave, 13th month pay, at holiday at premium pay.

-Analou De Vera