MASAYA itong long weekend dahil sa chukchakan at harapan, mula sa talakan ng mga beki sa Miss Q and A ng It’s Showtime hanggang sa debate ng Harapan 2019: The Senatorial Town Hall Debate sa ABS-CBN. Parehas naging trending topics ang mga palabas sa social media.

Magaling talaga ang Kapamilya network sa paggawa ng debate. Nakakaaliw at nakakarelate ang mga viewer dahil ramdam ang mga pinagdadaanan na problema sa peace and order, presyo ng bilihin, edukasyon, at latak ng pagmimina.

Bilib si Yours Truly na binigyan ng mahabang oras ng ABS-CBN ang lahat ng kandidato para makilala sila ng taong bayan. Biro mo, kung wala kang pera para magpatalastas sa TV, umapir ka lang sa Harapan ay mapapanood ka at mapakikinggan sa TV, cable TV, TVplus, Facebook, online, radyo, at pati sa abroad sa pamamagitan ng TFC.

Kung iisipin mo, parang libreng dalawang oras na advertisement na nila ‘pag lumabas sila sa Harapan. Naipakilala nila ang sarili nang walang gastos. Ang puhunan na lang nila ay talino at galing.

Hajji Alejandro, partner magdiriwang sana ng 27th anniversary

As usual, magaling sina Karen Davila at Alvin Elchico sa pag-host ng debate at pagtatanong sa Fast Talk. Harapan nilang tinanong ang mga kandidato kung ano ang magandang ginawa ng ating Pangulo, sino ang pinaka-corrupt na pangulo, kung pabor sila sa same sex marriage, federalismo, at Charter Change.

Halos lahat ng kandidatong umapir sa part two ng Harapan ay mga walang patalastas sa TV kaya doon ko lang sila nakilala at napakinggan. Magaganda ang case studies na ipinalabas at ang maganda pa, nasa studio pa mismo ang mga nagtatanong. Hindi lang mga news anchors ang nagtatanong kundi ang mga ordinaryong mamamayan ang nabibigyan ng boses sa mahalagang debate. Talagang in the service of the Filipino ang Harapan. Kaya may part three pa sa Sunday at sana lumahok ang iba pang senatoriables. Huwag sana nilang sayangin ang pagkakataon na ito. At congrats uli sa ABS-CBN sa isa na namang makabuluhang debate.

Ano kaya kung ipagpalit nila ang format ng Harapan at Miss Q and A. Gumawa kaya sila ng Senator Q and A? Magandang ipagpares sila at magchukchakan. Tiyak riot ‘yan at magiging top rater.

Oh well, Papa Ahwel, magpupuyat na naman si Yours Truly sa Linggo. Sulit naman ang panonood ng Harapan at okay lang kung magka-eyebags ako kinabukasan dahil maitatago naman yan sa aking shades. Boom, ‘yun na! J

-Mercy Lejarde