NAGULAT at napaiyak si Barbie Forteza nang pag-uwi niya sa bahay nila from work nitong Valentine’s Day ay ang liwanag at puno ng flowers ang dining room nila. Hanggang sa salubungin siya ng boyfriend na si Jak Roberto na may hawak na malaking bouquet of roses, na sa dulo ay may nakakabit na chocolates.

Barbie at Jak copy

“Hmppp akala mo wala tayong date ngayong Valentine’s Day no? Happy Valentine’s Day Gorgeous!” post ni Jak.

Thank you so much sa malaking tulong, Tita Amy (mom ni Barbie) at kay Donna bilang official photographer namin!”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Iyon ang sorpresa na nabanggit ni Jak sa entertainment press sa mediacon ng bago nilang teleserye sa GMA 7, ang Kara Mia. Nabanggit ni Jak na wala silang Valentine’s date, pero may sorpresa siya sa girlfriend of two years.

Nasabi na rin ni Barbie na wala silang Valentine’s date ni Jak dahil may work siya. Papalitan muna niya si Iya Villania as host ng “Chika Minute” ng 24 Oras dahil naka-leave ang huli nitong Valentine’s Day.

Pakonsuwelo pa ni Barbie sa sarili, okay lang daw iyon. Mas mabuti nang nagtatrabaho siya para makapag-promote pa siya ng Kara Mia. Hindi rin naman siya mahilig sa pa-date-date, mas gusto lang niya sa bahay.

At kahit nga Valentine’s gift, wala raw siyang nakahandang regalo para kay Jak. Hindi raw niya kasi alam kung may gift sa kanya ang boyfriend. Mas gusto niya ang personal na pag-aasikaso sa kanya ni Jak kaysa material gift.

Sa Lunes na ang premiere telecast ng Kara Mia, sa GMA 7, pagkatapos ng 24 Oras.

-Nora V. Calderon