NANINIWALA si Philippine Sports Comission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na hindi lamang dapat sa pagpopondo nakatuon ang pansin ng ahensiya kundi maging sa pagtugon sa mga proyekto na makakatulong para sa pagsasanay ng mga atleta.

Sinabi ng PSC chief na kailangan umano ng matatag na programa na tutulong hindi lamang sa mga atleta kundi na rin sa mga National coach upang lalo pang mapaghusayan ang pagtuturo sa mga atleta na isasabak sa ibang bansa.

Sa katunayan, upang maisakatuparan ito ay nakipag ugnayan ang SC sa iva’t iabng ahensiya ng pamahalaan at ibang unibersidad upang matutukan ang pagsasanay ng mga atleta.

“We are now working with Davao City UP partnership, we are working with Hungary with some expertise, Russia, but two weeks from now three from UP and three from PSC will leave for Melbourne to compare curriculum, certificate diploma,” pahayag ni Ramirez.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Makatutulong din umano para sa Philippine Sports na kumuha ng ilang ideya buhat sa ibang bansa sa lalo pang ikalalawak ng kaalaman ng mga coaches sa pagsasanay sa mga National athletes.

“We really have to take some idea from other countries, to improve the quality of coaching. So we feel that PSC should not just focus on funding, we also have to create some program, kasi naiiwanan na tayo eh, like improving the quality of coaches sa kabayanan,” ayon pa sa PSC chief.

Sa nalalabing tatlong taon pa ng kanyang serbisyo, umaasa si Ramirez na mipagpapatuloy ng kanyang karilyebo ang mga programang sinimulan ng kanyang tanggapan para sa kapakanan ng mga atleta ng bansa.

“We are going to fund the first 50 of the national coaches and another 50 from DepEd bago kami matapos in three years that program will be imbedded in the the partnership with PSC, DepEd, DILG and Ched, we hope we can leave that legacy at maipagtuloy nila ‘yan,” ani Ramirez.

-Annie Abad