GS Warriors, nabalahibuhan ng Miami Heat
OAKLAND, Calif. (AP) — Muling nalagay sa wire-to-wire finish ang Golden State Warriors. Ngunit, sa pagkakataong ito, kumaway sa two-time defending champion ang suwerte.
Naisalpak ni Kevin Durant ang krusyal na three-pointer na nagpatabla sa iskor, habang naibuslo ni DeMarcus Cousins ang dalawang free throws sa huling 5.4 segundo para mailusot ng Warriors ang 120- 118 panalo kontra sa determinadong Miami Heat nitong Linggo (Lunes sa Manila).
Naghabol ang Warriors mula sa 19 puntos na pagkakaiwan sa first period at pinangunahan ni Durant ang ratsada tungo sa kabuuang 39 puntos, tampok ang three-pointer na nagtabla sa iskor sa 118-all.
Mula sa matibay na depensa, nakuha ng Warriors ang huling possession at binitiwan ni Durant ang isa pang three-pointer na lumihis sa target, ngunit nakuha ni Cousins ang rebound at foul para sa winning free throw at ika-15 panalo sa huling 16 laro ng Golden State.
Kumubra si Klay Thompson ng 29 puntos at tumipia si Stephen Curry ng 25 puntos para sa Warriors.
Nanguna sa Miami si Josh Richardson na kumana ng career-high 37 puntos, tampok ang walong three-pointer.
SIXERS 143, LAKERS 120
Sa Philadelphia, ipinadama ng Sixers ang bagong lakas ng frontline laban kay Lebron James at Los Angeles Lakers.
Hataw si Joel Embiid sa natipang 37 puntos at 14 rebounds, habang kumubra ang bagong recruit na si Tobias Harris ng 22 puntos para hiyain ang Lakers at patunayan ang kahandaan para maging title contender.
Nag-ambag si JJ Redick ng 21 puntos, habang tumipa si Jimmy Butler ng 15 puntos sa ikalawang sunod na panalo ng Sixers mula ng makuha si Harris at apat na iba pa sa trade deadline.
“The East better watch out,” pahayag ni Lakers president Magic Johnson. “This is a stacked team.”
Nanguna si Kyle Kuzma sa Lakers na may 39 puntos, habang nalimitahan si James sa 18 puntos, may 10 rebounds at siyam na assists.
MAVS 102, BLAZERS 101
Sa Dallas, nahabol ng Mavericks ang 15 puntos na bentahe ng Portland sa final period para mailusot ang pahirapang panalo.
Hataw si rookie Luka Doncic sa naiskor na 28 puntos, habang kumana si Tim Hardaway Jr. ng 24 puntos para sa Mavericks.
Nanguna si Damian Lillard sa Blazers na may 30 puntos, habang nagsalansan si Justuf Nurkic ng 18 puntos at 10 rebounds.
Sa iba pang laro, ginapi ng Orlando Magic, sa pangunguna nin All-Star Nikola Vucevic na may 19 puntos, ang Atlanta Hawks, 124-108; pinaluhod ng Sacramento