MAG-IISANG buwan na palang nasa China si Heart Evangelista pero hanggang ngayon ay sekreto pa ang talagang dahilan ng pagpunta niya roon.

Itinanggi na niya at ng mga friends niyang kasama sa China, na hindi totoong si Heart ang bibida sa sequel ang Crazy Rich Asian, hindi totoo na nagsu-shooting siya roon.

“For those of you asking, I am not in China to film for Crazy Rich. I am here for something else – I can’t wait to share.”

Naiinip na rin siguro ang husband niyang si Senator Chiz Escudero at mga anak nilang sina Chesi at Quino, kaya sila na ang bumisita kay Heart sa China last weekend. Si Heart ang nag-post ng picture nila sa Instagram na mukhang nagsi-shopping sila sa Shenzhen.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“I’ve been waiting for this day for forever! I’m finally reunited with my family in China! I can’t wait to spend a day with this bunch.”

May post din si Heart na sila lamang dalawa ni Sen. Chiz ang loving-loving na naglalakad. “Infinitely happier now that my hubby’s around.”

Pero last Sunday, malungkot na ang post ni Heart sa kanyang Instagram story:

“Then he had to fly back to Manila” na may kasamang crying emoji.

-Nora V. Calderon