PASOK si Ateneo standout Thirdy Ravena sa 15-man training pool ni Team Pilipinas head coach Yeng Guiao na kaniya namang pagpipilian ng final roster na isasabak ng bansa sa upcoming back-to-back FIBA World Cup Asian qualifier.

Ayon kay Guiao, parte ito ang preparasyon ng bansa para sa future international meets bukod pa sa paghahanda sakali man na hindi makalaro ang mga injured players ng pool, partikular na si Troy Rosario sa darating na 6th and final window ng Asian qualifier.

Nitong nakaraang Linggo, 14 players lang ang pinangalanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa naunang inanunsiyo na 15-man pool.

Ngunit, sa isang panayam kay Guiao matapos ang PBA Press Corps annual awards Lunes ng gabi sa Novotel Manila Araneta Center sa Cubao, kinumpirma ni Guiao ang pagsama nila kay Ravena sa nasabing training pool.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Ang investment namin sa future and probable na ma-include namin from the amateur ranks is Thirdy,” revealed Guiao “But we were still waiting for approval ng Ateneo so he has to go through the process of asking permission from coach Tab (Baldwin) and school officials.”

Una nang isinama sa latest pool ay sina Jayson Castro, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Gabe Norwood, Roger Pogoy, Troy Rosario, June Mar Fajardo, Mark Barroca, Poy Erram, Marcio Lassiter, Paul Lee, Scottie Thompson at naturalized players Andray Blatche at Christian Standhardinger.

Sa fifth at penultimate window ng nakaraang taon, kasama sa pool ni Guiao sina dating De La Salle guard Ricci Rivero na ngayon ay kasapi na sa University of the Philippines squad at 7-foot-2 sensation Kai Sotto.

“In every window and line up that we form, we always look to the future. Noong una sina Kai, sina Ricci and even Kobe Paras sa Asian Games,” pahayag ni Guiao

Malaki naman ang paniwala ni Guiao na may tsansa si Ravena na makapasok sa final roster dahil na din sa pangangailangan na nakikita nila sa guard-forward position.

“If you notice we use Troy less of a four but more of a three in the last window so kung magkukulang lami ng tres, kung si Gabe (Norwood) na lang magiging option natin, suggestion din ng coaching staff, and I totally agree with them, baka pwedeng ang young prospect who can probably our insurance in that spot is Thirdy,” aniya.

Naghahanda ang Team Pilipinas sa crucial road games ng bansa kung saan makakalaban nito ang Qatar sa February 21 bago harapin ng pambansang koponan ang Kazakhstan sa February 24.

-DENNIS PRINCIPE