HINDI pahuhuli ang lakas at tibay ng Perpetual Altas na inihahanda ni Coach Frankie Lim sa de-kalidad sa kompetisyon sa PBA Developmental League simula sa Pebrero 14 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

PUSPUSAN na ang pagsasanay ng Perpetual Help Altas, sa pangunguna ni coach Frankie Lim (center), sa kanilang bagong tahanan na Home of the Altas Gym 2 sa Las Piñas City.

PUSPUSAN na ang pagsasanay ng Perpetual Help Altas, sa pangunguna ni coach Frankie Lim (center), sa kanilang bagong tahanan na Home of the Altas Gym 2 sa Las Piñas City.

Pangungunahan ang Altas ng mga beteranong sina Edgar Charcos, Anton Tamayo, Tonton Peralta, Luke Sese, Jielo Razon, Kim Aurin, at Jerome Pacia na pawang bahagi ng Las Pinas City-based squad na sumabak sa Final Four ng NCAA Season 94.

Idinagdag ni Lim, nasa ikalawang season sa kampo ng Altas, ang mga bagito, ngunit determinadong batang players na inihahanda para sa NCAA Season 95 sa Hulyo.

Ilan sa maasahang transferees sa team sina center Ben Adamos, Lean Martel at Lele Guissani mula sa San Beda; James Labarda mula sa Arellano U; Jeffer Egan ng Southern Philippine College, Cagayan De Oro City; Ramlee Lanoy ng St. Francis of Assisi at 6’4 Power Forward JBoy Solis ng Olivarez College.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Magbabalik aksiyon naman ang playmaker na si Kieth Pido na nagtamo ng injury sa nakalipas na season.

Kinuha rin ni Lim ang serbisyo ni dating Mapua assistant coach Ed Cordero at anak na si Mello Lim para sa coaching staff, kasama sina assistant coach Myk Saguiguit, Ferdinand Ali Ali at trainer Gerard Dizon.

“We are using D-League to see where we were right now and to get good games and proper adjustments, kung anu pa ang kulang, kung anu pa ang dapat gawin,” pahayag ni Lim.

“Its always best to play best teams, to make a better and competitive team, magandang challenge sa team with six new guys in the line up, interesting to see how strong we are, kung kulang pa or pwede na sa NCAA,” aniya.

Ipinahayag nina team owner Tony Tamayo at coach Lim ang planong ipadala sa abroad ang koponan para dumalo sa training camp sa April o Mayo.