SUBIC BAY – Nais ngayon ng pamahalaan na paunlarin pa nang husto ang mga coastal area ng Subic sa Zambales at Morong sa Bataan upang dagsain pa ng mga tourista, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources officer Raul Mamac, naka-usap na nila ang mga opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at ang alkalde ng Morong kaugnay ng usapin.
Agad na nilinaw ni Mamac na hindi isasailalim sa clean up operation ang mga beach ng Subic at Morong at sa halip ay pagagandahin pa ito upang makaakit din ng mga foreign at investor.
Si Mamac ay isa mga opisyal ng DENR na nanguna sa anim na buwang clean up sa Boracay Island, nitong nakaraang taon.
-Mar T. Supnad