Ipagpapatuloy kahapon ang rescue operations sa tatlong minero na na-trap sa minahan sa Sibulan, Negros Oriental, kamakalawa.

Sa ulat ng Sibulan Municipal Police Station (SMPS), kabilang sa mga natabunan sina Algie Javier, Boy Insilan at isang alyas “Bobby”.

Sa report, pumasok sa tunnel ang apat na minero, kabilang si Mauro Alforque, ng Bgy. Cagnatong, at ipinagpatuloy ang paghuhukay.

Habang nasa ilalim, bigla na lamang umanong gumuho ang bahagi ng minahan na tumabon sa tatlo.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nakaligtas sa insidente si Alforque nang umakyat ito sa dingding ng tunnel.

Agad na ini-report ni Alforque sa mga awtoridad ang insidente.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nagsasagawa pa rin ng rescue operations sa nasabing lugar.

Naiulat na sinimulan ang paghuhukay nitong Nobyembre ng nakaraang taon.

-FER TABOY